Tuesday, May 7, 2019

My Poem

Edukasyon kayamanang hindi makukuha ninuman
Saan man , kailan man , hinding hindi ito kukupas
Ang isang tao edukado ay makikita sa kanyang gawa
Maging sa kanyang pananalita at iba talaga ..

Marami ang naghangad na makapagtapos 
Subalit ang iba ay bigo at kapos
Marami ang nagsumikap
At kahit saan lugar ay nangarap

Paaralan , guro at kamag-aral 
Sila ang pangalawang pamilya mo sa hinaharap
Nagtiyaga, mangarap at magsikap
Yan ang kailan para pangarap mo ay matupad

Ako ngayon ay naririto sa paaralan
Lahat ng paraan ay ginawa at pinag aralan
Makatapos ang dahilan ng pag palagay
Kaya lahat ay gagawin makuha ko lamang

Sa mga araw na daraan at lilipas
Hindi hindi ako kukupas
Sa pag aaral ko ay magsisikap
Para maabot ko ang tagumpay na wagas..


No comments:

Post a Comment